Ikalawang Yugto
Tingnan mo nga naman at may nagbabasa parin pala dito. O san na ba tayo natapos sa ating munting kwento? Ayun, bumalik na sa aking isipan at nahuli ko na ang ideya.
Kakatapos lang namin kumain at nakapagayos na kami ng mga gamit. Handa na sana kami bumaba, peros siyempre bago ang lahat, kelan ba naman nawala ang pictorial. Di kumpleto ang lakad ng tropa pag walang litrato para sa mga alala.Sana lang ay wala kaming makita na kung anong extra sa mga litratong aming makuha. Pose pose dun, pose pose dito, group pic, wacky pic at jump shot at kung ano ano pang mga kuha ang pinaggagawa namin hanggang sa nagsawa na kami at naisipan na nakarami na din naman kami siguro.
Pol |
Nang papaalis na sana kami, may nag bato lang
ng isang baduy na ideya. Gumawa tayo ng Video ng Harlem shake. Ang
corny at ang baduy na ideya, pero kumagat kaming lahat at tuwang tuwa
kami. Yun pala ang kiliti ng Harlem Shake, hindi para sa mga manunuod
kundi para sa mga gumawa ng "shake it" dance moves na iyon. Hindi ko
matake, ang baduy talaga. Parang mga ewan lang na unang beses makakita
ng video camera at sumayaw na lang ng kung ano ang mapagkatuwaan.
Mistula kaming mga takas sa isang mental institution, mga preso na
nasobrahan ng upo sa silya elektrika, mga ewan lang na pagkagat ng
musica ay mag eepeleptic seizure na. Babala, pang weird at mga baliw
lang ito dahil may koryograpy pang nangyari at rehersal bago ang actual
shooting. Ok
so dito kami natuto ng ilan sa mga dance moves namin... wow very
educational talaga diba. Kaya manuod lang tayo ng manuod. At heto naman
na ang... Harlem Shake Mt. Humarap edition
Matapos ang tawanan at lokohan, ito na. Kailangan na nga namin talaga bumaba ng bundok at babalik na kami sa sibilisasyon pero may side trip pa kaming pupuntahan. May Matabungka Falls pa kami bago kami mag balik sa tunay na mundo.
ginoong pol bin sent, im an avid fan of your escapades and ever wonder where your next destination will be! you're an inspiration to me! till your next adventure sir!
ReplyDelete-manlolokboy