Hindi na naabutan ang paglubog ng araw |
Ayun. Nasan na nga ba tayo? Ah oo nga pala, nakarating na tayo sa tuktok ng Mt Humarap sa Paete Laguna. Halos kakababa lang ng araw at mula sa kinatatayuan namin ay tanaw ang mga ilaw sa bayan ng Paete. Napagdesisyunan namin na magsimula ng magayos ng campsite para makapagpahinga at relaks relaks ng konti. Sa pangkalahatan merong kaming mga anim na tent at isang kotse na matutulugan. Kahit papano ay tuwang tuwa nanaman ako dahil magagamit ko nanaman ang tent ko. Halos bagong bago pa dahil pangatlong akyat pa lang nito ngayon. Siyempre dadamihan pa at talagang susulitin ko ito. Sandali lang kami inabot para ayusin ang mga tutuluyan namin sa gabi at inayos ko na din ang tutulugan ko para deretso na sa tulog. Nakatayo na ang tent, nakalatag na ang sleeping bag, nakapusisyon na ang backpack para sandalan ng ulo. Ayan, ready na talaga.
Hulaan kung sino ang pinaka matanda. |
SPAM |
Balik na tayo sa kwento. Lumalim na ang gabi at lumalamig na ang ihip ng hangin. Maririnig mo na ang bawat tunog ng paligid. Dinig ang huni ng mga kuliglig sa tabi-tabi, ang pagaspas ng mga sangay at ng mga dahon. Tahimik ang kapaligiran maliban sa amin, isang magandang pagkakataon para ikwento ang (Misteryo ng Paete).
Commercial lang ulit dahil inuman na. Sa bawat hike laging tandaan, may kasamang inuman. Emperador at Grandmatador inuming pili ng bawat tomador. Kay sarap magbonding sa taas ng bundok pagkatapos ng isang oras at kalahati na lakaran. Kwentuhang walang humpay naman at tagayan.
Kwentuhan nanaman pero bawal ang masyadong maingay, di natin alam kung may mga nilalang na nasapaligid liglig lang na hindi natin nakikikita. Kailangan magingat. Nagsimula daw ang kwento ng may ilang mga kabataan ang naisipan na umakyat sa bundok ng paete at ng sila ay umakyat ay may nagambala daw sila na mga kung anong malignong di natin alam. Nagsimula ang kababalaghan ng magpakuha ang ating isa sa mga kabataan sa may tapat ng isa sa mga krus. Nang tiningnan nila ang naging kuha ay laking gulat na lamang sila sa kanilang nakita. Meron silang nakitang imahe ng demonyo na nakaakbay sa balikat ng dalagitang itatago na lamang nating sa pangalang elizabeth, kinabahan ang magkakasama subalit ay pinabayaan na lamang nila ito at inakala na mali lang ang kuha ng kamera. Di nila inakala na meron na pala talagang nakuhang imahe sa litrato na di
mula sa mundong ito.
Dahil nga sa inakala ng magbabarkada na wala lang ang imahe na nakita nila, napagkatuwaan nila na maglaro ng spirit of the coin at subukan na takutin pa ang kanilang mga sarili. Makalipas ng ilang minuto na walang nangyayari ay mayroon silang naramdaman na kakaiba sa paligid, mejo mas lumamig ang ihip ng hanging, tumayo ang mga balahibo sa kanilang paligid at bigla na lang tumawa ang isa sa mga binatilyo na itatago natin sa pangalan na si Philip. Kinilabutan ang buong tropa, napabitaw at napatakbo na lang sa loob ng kanilang tent at dun natapos ang laro ng spirit of the coin. Napabayaan ang espirito na nakahawak parin sa piso na ginamit nagaantay.
Nagloloko lang pala si Philip, talagang kinabahan ng sobra ang magkakasama, sa galit ni Elizabeth ay nasampal niya ang binatilyo na rinig sa buong paligid. PAK. Tahimik na lang ang bawat isa at napagdesisyunan na matulog na lang bago pa magkainitan mas lalo. Di nagtagal ay nakatulog
na ang lahat ng bigla na lang nilang naramdaman na tila may kung sinong umaaliligid, umiikot sa kanilang tinutulugan. takot na takot si elizabeth na nagtago lang sa loob ng tent, ang mga kasamahan nila ay isa isa ng napadasal sa kaba at takot. Habang nagdadsal ay napansin nila na parang kulang ata sila ng isang tao, wala si Philip. Siya pala ang nasa labas, pero hindi lang na pagikot lang ang ginagawa ng binatilyo. Tumawatawa na siya na tila ba ay may kung anong sumapi sa kanya, sa
bawat pagikot sa tent ay yinuyugyog niya ng yinuyogyog ito ng bumigay na. Napilitan ng magsilabasan ang mga nasa loob at nakita nila tila nagbago na ang itsura ni Philip, pula at nanlilisik na ang mga bata, ang itsura ay tila di na nakikilala ang mga kaibigan at parang isang hayop na may hinahanap. Wala ng nagawa sina Elizabeth kundi ang maiyak sa tabi, balot ng takot, di makagalaw at nanginginig ang buong katawan.
Hindi ginalaw ni Philip si Elizabeth at ang mga kasamahan niya. Kinuha niya lang ang kanyang gamit at nagsimula ng bumaba at nauna pabalik sa bayan. Hindi maintindihan ng magbabarkada ang nangyari sa kaibigan nila. Isa lang ang pumasok sa kanilang isipan, may sapi si Philip at alam nila na kailangan nilang matulungan siya.
Dyan ko na lang na muna tatapusin ang kwnentong ito. Mejo kinakabahan na din kasi ang mga kasama ko at hindi maituloy ang inuman. Tutok kasi ang bawat isa sa kwnento at mejo kinabahan na din dahil tahimik nanaman ang buong paligid, natatago ng mga ulap ang buwan at mga bituin. Pakiramdam mo na para bang may nagmamatyag sa inyong mga bawat galaw. Pero syempre, dahil may Emperador na sa tagay at Coke panulak nawala na ang lahat ng kaba na aming naramdaman. Mejo mabilis ang ikot ng tagay at mejo marami ako uminom ng panulak dahil mahina lang ako uminom. Oras na para alisin ang alak sa aking systema. Tumayo ako at kinuha ang aking flashlight at naghanap ng lugar kung san ako ay makakapagdiskarga ng nainom at makahanap ng ginhawa. Kanina pa kasi ako naiihi, mejo kinakabahan lang na umihi pero di ko na talaga kaya. Naghanap ako ng lugar na mejo malayo layo sa aking mga kasma, nagpatay ng ilaw, nagpasabi sa kung meron man mga di nakikitang nilalang na tabi tabi po at ayun. Kay sarap na ginhawa talaga. Di ako mapalagay dahil pakiramdam ko ay may mga umaaligid sa akin, nakatingin,
nagaabang. Bigla na lang ay unti unti kong naramdaman na may gumagapang sakin. Parang may humahaplos sa aking paa na di ko ma sabi kung ano, bigla na lang ako nakaramdam ng sakit sa aking mga paa, aray grabe ang sakit. Nakatapak pala ako sa mga langgang at pinapapak na pala nila ako, pinaghihiganti ata nila ang mga kasamahan nila na nalunod at nalasing sa aking ihi.Aray aray aray, ginagawa na nila akong pulutan.
Hay, kating kati na ako, kamot dun, kamot dito at napakamot na lang din ako ng aking ulo. Bumalik na ako sa mga kasama ko pero dahil parang ayoko na ata uminom pa at dahil may ilang bote silang kailangan patumbahin, tinumba ko na lamang muna ang sarili ko sa loob ng tent at dun na ako nakatulog.
Nang sumunod na araw ay nagising ako dahil pakiramdam ko ay linuluto na ako sa loob ng tent sa init. Sa aking paglabas at tanaw ko ang luntiang paligid at napaisip ako na walang ganito sa maynila. Dito amoy mo ang linis ng kalikasan, tanaw mo ang kagandahan ng ating bayan. Kumain kami ng agahan na ang luto ay nilagang itolog, hotdog at tinapay na cheese. Ang sarap. Cheesy na cheesy talaga. Pag malayo sa kabihasnan ay may mga bagay na kulang talaga, walang bread knife para hatiin
ang pandesal at pasukan ng keso. Kaya ang pwedeng gawin ay gamitin na lang ang daliri. Hawakan ang tinapay gamit ang isang kamay at gamitin ang iyong hinlalaki para gumawa ng butas sa tinapay, siguraduhin na sapat lang ang butas para kesong ilalagay. Yum yum yum ang sarap talaga ng pandesal na pinalamanan ng keso, cheesy ang sarap.
Ayoko ng pahabain pa ng masyado ang kwentong ito, tingnan na lamang ang Itinerary na lalabas pag nagawa ko na. Sa pangkalahatan ay pagkatapos kumain ay bumaba na kami at nag swimming ng konti sa talon...
Tiingnan kung may susunod na kabanata pa.
Kaloka :)
ReplyDeletekaloka in a good way or kaloka in a bad way? hehehe salamat clue, follow mo ko hehehe
ReplyDeletesa aking nabasa para nadin akong nakaakyat sa Mt. Humarap.. para ko narin naranasan umakyat ng bundok at para ko nadin nakita ang napaka gandang kalikasan sa bundok na iyong inakyat. sana masundan pa to dahil naaliw ako magbasa maraming salamat!
ReplyDeleteGreat and I have a swell offer you: What Is House Renovation house renovation price
ReplyDelete