Tuesday, March 19, 2013

Blog Blog Blog... Mga kwentong kalokohan


Wah...

Boom!!! 

Kamusta kaibigan.

Buti naman at may nagawi sa blog na ito. Sana naman ay maisipan mo na basahin ang ilan sa mga nilalaman nitong mumuntiing write up ko sa mga bagay bagay na nangyari sa akin.Minsan patok, minsan swak na swak pero kadalasan ay sablay sablay lang. Gusto ko lang kasi na maipamahagi sa inyo ang kagandahan ng ating bayan . Kasi nga naman "Its more fun in the Philippines" ika nga nila. Sana magustohan niyo ang mga mababasa niyo dito.

Ah bago ko nga pala makalimutan, gusto ko lang na malaman niyo na wala sa talento ko ang pagsusulat, gusto ko lang talaga na masubukan ang gawain na ito para lang din meron kabuluhan kahit papano ang libreng oras ko at hindi puro panunuod lang ng telebisyon ang ginagawa ko. Hep hep hep walang kokontra, tandan ang magaling na payo ni Pol. Ang iyo, iyo. Ang akin, akin. Walang pakialaman sa trip ng bawat isa. Pero ang trip mo, trip ko, trip nating lahat... suguradong panalo.


No comments:

Post a Comment