|
Ang tatlong Krus ng Mt. Humarap |
Mysterio ng Mt. Humarap
Nabalitaan ko na may akyat ang grupo ng
Backpackers sa Mt. Humarap sa Paete, Laguna kaya naisipan ko magtanong kung pwedeng sumama ang hindi miyembro. Nag message ako kay Sir Ivan kung kelan and akyat at kung pwedeng sumama. Buti na lang at online sya, mabilis ako nakakuha ng sagot. Oo pwede daw sumama at sa march 16&17 Sat Sun daw ang akyat. Nice, sabi ko sa sarili.
Syempre, tulad ng ibang mga naging akyat tiningnan ko muna sa internet ang mga itinerary sa Mt Humarap at kung ano ang magagawa dito. Nalaman ko na merong tatlong dapat mapuntahan dito. Ang unang mapupuntahan ay ang Paete church, isang makalumang simbahan na naitayo nung 1646. Isa itong simbahan na punong puno ng kasaysayan mula sa panahon pa ng mga kastila hanggang sa mga amerikano at hapon. Ang susunod at ang pinaka atraksyon sa bayan ng Paete ay ang Mt. Humarap na may tatlong krus na nakatirik sa rurok nito. Ang magiging huling destinasyon ang ang Talon ng matabungka kung saan kayo maaring maligo sa inyong pagbaba.
Sabik talaga ako makapunta dun sa bundok na iyon dahil napanuod ko ito sa isang episode ng Misteryo sa QTV11 dati. Yung kwento ay may isang grupo ng mga kabataan ang umakyat at may nagambala na mga nilalang. May isa sa kanilang sinapian at tila sinundan pa sila hanggang sa kanilang pagbaba ng bundok. Nang mga sumunod na mga araw ay may mga nakakapanglabot na nangyari kaya't naisipan na nilang lumapit sa staff ng Misteryo. Tinulungan sila ng show at sinamahan silang bumalik sa bundok at magbigay alay para sa mga nilalang na kanilang nagambala. Ayun ang kwento at mejo nasabik lang talga ako at mapupuntahan ko na din ang isa sa mga lugar na napanuod ko sa TV. Araw ng sabado alasdose ng tanghali ang oras ng pagkikita namin. Magkikita kami sa KFC sa Buendia. Naisipan ko na sumakay na lang ng LRT sa Munoz dahil mas mabilis ito
at mas mura kumpara sa kung sasakay ako ng bus at ng taxi, ang problema nga lang ay kung payagan ako ni mamang guard na pumasok dahil sa dami ng aking bitbit o di kaya naman ay kung magkasya ako sa loob kung sakaling maging siksikan ng sobra. Buti na lang wala akong naging problema nang nag painspeksyon ako kay mamang guard, mejo hassle lang kasi kailangan ko pa talaga buksan ng bukakang bukaka talaga ang bag ko dahil talagang mabusisi si kuya. Pagakyat ko sa platform ay nakahinga ako ng maluwag dahil di ganun kadami ang taong nagaabang para sa susunod na tren. Swerte. Nang tumigil na ang tren at bumukas ang pintuan at nagsipasok na ang mga tao, nagulat ako dahil may isang mama na galit na galit na tila mananapak na ng tao, na nagpipilit na lumabas ng tren. Nagtaka ako kung ano ang nangyari, kinabahan, mukhang may away pa ata akong mapapanuod bago makarating sa aking destinasyon. Nang makasakay nako, dun ko nalaman na may kasama pala na babae ang mama na nahulog ang tsinelas dahil sa paguunahan ng mga tao na makapasok sa tren. Ahh, yun lang nanman pala ang problema sabi ko sa sarili ko. Buti na lang at walang gulo. Naisip ko nga lang na kawawa naman si ate, goodbye tsinelas, nahulog na kasi ito sa riles mismo ng tren. Alas dose na ng tanghali at pakiramdam ko ay baka malate pa ako, nakakahiya naman sa mga kasama ko. Buti na lang at tatlongpung minuto lang ang biyahe mula Munoz hanggang Gil Puyat. Pagbaba ko ng tren, nagtanong ako kay kuya kung nasaan po ang KFC, sabi sakin dun lang daw sa baba, malapit lang. Pagbaba ko, tumingin ako sa kaliwa, tumingin ako sa kanan pero wala, dating jollibee lang at Greenwhich ang mga kainan na natanaw ko. Kaya nagpunta ko sa greenwich at nagtanong sa guard kung alam niya kung san ang KFC. Wala daw KFC dun. Lintek, mali pa ata ako ng napuntahan. Tawag ako ngayon sa lider at organizer ng akyat na si Ivan. "Boss, san po yung KFC, andito na po ako sa Buendia?" Sabi sakin na ang KFC ay katabi lang daw ng yellowcab, di ko naman alam kung san yung Yellowcab, katabi lang daw nung Yellowcab yung Wendys, hindi ko din po alam kung san yung Wendys, sa tabi daw ng Goldilocks a 711 yun... naku nawawala na nga ata talaga ako. Buti na lang na natanong sakin kung andun ako sa lumang jollibee sa may kalye ng TAFT, tumawid lang daw ako at magpunta ng Buendia ave, mejo malapit lang daw sa kanto at ayun. nakita ko na nga. Sa wakas. I'm here guys.
Siguro mga ala una na ng tanghali kami umalis dahil may isang napilitang magshopping muna bago umakyat. Bongga talaga si ate, mall outfit ang pang hike. Pero ok lang din naman kasi parang maglalakad lang daw sa luneta ang hike na ito. Isa kasi ang Mt Humarap sa pinaka madaling hike na masusubukan kaya talagang mairerekumenda ko ang akyat na ito para sa mga first timers. Ang biyahe mula Buendia hanggang Paete ay mga dalawa hanggang dalawa't kalahating oras siguro depende sa takbo ng trapik.
Nakarating kami sa Bayan ng Paete ng alas kwatro na ng tanghali at tumigil muna kami para ikutin ang Simbahan ng Paete. Pagpasok namin, may ceremony na nagaganap sa
loob ng simbahan, graduation rites ng mga estudyante kaya dun na lang muna kami sa labas kumuha ng mga letrato. Habang nag piputsur pitsuran kami sa labas ay may mga batang sabik makisali sa kuha at umeepal dun sa background. Ayun, napagbigyan din at kinuhaan ng picture ant tropa ng mga baa nang kami ay matapos na.
Isang makalumang Simbahan ang Paete church na punong puno ng kasaysayan na kitang kita sa arkitektura nito at sa mga likhang sining na nakapalibit dito. Ang ilan sa mga painting dito tulad ng "Langit, Lupa, Impiyerno" ay gawa ni Luciano Dans.
Inakyat namin ang dambana ng simbahan. Mejo madilim at makipot ang hagdanan paakyat sa dambana. Ang unang palapag namatutungtungan mo ay isang cementadong kwarto na
may tali na nakabitin mula sa susunod na palapag na tumatagos sa cementadong dingding. Aakyat nanaman kayo sa isang cementadong daan kung saan isa isa lang ang ang makakadaan dahil sa kipot nito. Pag dating mo sa taas ay makikita mo ang isang napakalaking dambana. Maiisip mo na dinig sa buong bayan ang tunog ng kampanang ito pag kinalembang tuwing may okasyon. Dito ay kahoy kahoy na lang ang hangdan at ang tutungtungan papunta sa dambana at paakyat pa sa pinaka bubungan ng simbahan. Hindi ko na nagawang umakyat pa dahil mejo nangangatog na ang mga binti ko at parang tinamaan nanaman ako ng kaba at takot sa matataas na lugar. Tumingin tingin na lang ako dun sa palapag na kinalalagyan ko at bababa na sana nang napansin ko na may daanan palabas mula dun sa cementadong hagdan. Wow, kay ganda at kitang kita mo ang buong bayan ng Paete mula dito. Gusto ko pa sana manatili dun at kumuha ng ilang mga letrato pero gahol na kami sa orasa at kailangan ng bumaba at magsimula na umakyat sa aming paroroonan.
Ayan, sa wakas... Magkwekwento na ako sa pagakyat ng Humarap. Simple lang ang daan paakyat, kailangan mo lang sundin ang isang libong hakbang hanggang sa pinaka taas ng bundok. Aabutin ka lang ng humigit kumulang isang oras sa pagakyat at walang kapagod pagod kaya talagang para sa mga firstimer ang akyat na ito. Nagsimula na kaming maglakad at pagkatapos pa lang ng labing limang minuto ay tumatagaktak na ang pawis mula sa bawat parte ng aking katawan. WOW! Pang first timers nga talaga ito sabi ko sa sarili ko ng sarcastic. Buti na lang may dala akong 1.5L na gatorade para ma palitan agad ang mga nawalang liquids sa aking katawan. Refreshing talaga. Salamat gatorade. Habang umaakyat kami may mga nakakasalubong kami na ilang mga lokals na may daladalang kahoy nagagamitin siguro sa kanilang wood carvings. Natanong ko kung
gano na lang katagal bago sa tuktok, mga labing limang minuto pa daw, pero sa tantya niya mga tatalongpung minuto pa bago namin maabot sa bilis ng takbo namin. Grabe, pagod na ako at lumulubong na ang araw. Naku, night trek na ata ang kalalabasan namin. Mejo kinabahan ako dahil sa misteryong dala ng bundok na ito. Nakarating kami tuktok ng pasado alas sais na ata. WAla na ang inaasam asam na sunset pero nakita ko na ang tanyag na tatlong krus ng Paete. Meron din dun altar na nakalagay, siguro may misa na sila dun tuwing holyweek, o baka naman nagtayo na sila ng altar dun dahil sa naganap dati na sapi. Mula sa kinatatayuan ng tatlong krus ay tanaw mo ang buong bayan ng Paete, kitang kita ang ilaw ng mga bahay mula sa kinatatayuan namin. Wow. Ang ganda dito sa taas. Iba talaga ang pakiramdam kumpra sa maingay na bayan na pinanggalingan namin. Pansin mo ang linis ng hangin, wala masyado pollution dito. Kakaiba talaga.
Pagkatapos ng ilang sandali, nagulat kami ng may nakita kaming ilaw na papalapit samin. Tila ba dalawang sinag ng liwanag na papunta sa aming direksyon. Nagulat talaga kami ng malaman namin na kotse pala iyon ng isa sa mga kasamahan namin, may kalye pala papunta sa tuktok. Pwede mo pala lakarin paakyat o kung tinatamad ka naman ay sumakay na lang sa tryc para walang kahiraphirap. Napawow talaga ako, sana pala ay nalaman ko ng mas maaga na ganun ang mangyayari para iniwan ko na lang ang dala ko na tent sa kotse. Hay, pahirap talaga yung dalawang kilo na bitbitin sa likod ko. Ok lang daw yun, kayang kaya ko naman daw, kaya nga nga nag climb para sa challenge dba.
abangang ang susunod na kabanata ng kwentong ito.