Thursday, December 12, 2013

Ang Alamat ng Bundok na Manlalamon (Mt. Manalmon)

Galing daw ang pangalan ng Bundok ng Manalmon sa salitang Manlalamon. Kwento daw kasi ng mga matatanda na dati ay may binata na linamon ang bundok kaya't itoy tinawag na bundok na manlalamon at pag tagal ay tinawag na din na Bundok ng Manalmon.

Nagsisimula ang ating kwento sa bahay ng isang magkasintahan sa isang maliit na bario ng San Miguel sa probinsya ng Bulacan. Ikakasal na ang magkasintahan at problemado sila sa kung ano ang pagkain na maari nilang maihanda para sa kanilang mga bisita. Napagkasunduan nilang dalawa na mangangaso ang binata at magbabakasakali na may mahuli para sa handa ng kanilang munting kasalan.

Tumungo sa kabundukan ang lalaki para manghuli ng kahit anong pwedeng mahanda para sa kanilang bisita. buong magdamag na naglakbay ang binata, sinuyod ang bawat sulok ng kakahuyan ngunit wala syang natagpuan na bakas ng kahit anong hayup.



Malapit ng magdapit hapon at wala parin nahuhili ang binata, dahil sa pangamba na wala siyang maiuwi sa kanyang sinisinta, nag pasya na sya na tunguin ang tuktok ng bundok para mangaso kahit na alam niyang ipinagbabawal ito ng mga matatanda dahil tahanan daw iyon ng mga diwata.

Nang makarating ang binata sa paanan ng isang dambuhalang bato ay may nakita siyang isang usa sa na nagpapahinga. Dali dali niya itong pinana at napatay. Tuwang tuwa ang lalaki dahil may maiuuwi na siya para sa kanilang handaan.

Pinuntahan niya ang kanyang huli at nakita na sapat na ito para sa kanilang magiging handaan. Tuwang tuwa ang binata habang binuhat niya ang usa sa kanyang likod at bababa na sana ng bundok ng bigla na lang ay may nagpakita na diwata sa kanya.

Alaga pala ng diwata ng kabundukan ang kanyang huli. Nagalit ang diwata at pinarusahan ang mapangahas na binata.

Nabiyak sa dalawa ang dambuhalang bato na kinatatayuan ng binata at siya ay nahulog sa loob. Pinilit ng binata na lumabas sa kanyang kinalalagyan ngunit dalidaling sumara ang butas at hindi na magawang makalabas ng binata.

Lumipas ang gabi at hindi parin umuuwi ang binata. Nagalala ang dalaga at minabuti na hanapin ang kanyang sinisinta. Linibot ng dalaga ang gubat sa may paanan ng bundok ngunit wala siyang nakitang bakas ng kanyang minamahal. Nagpasya ang dalaga na akyatin ang bundok sa pagbabakasakali na tumungo dun at nagpalipas lamang ng gabi para mag munimuni.

Laking gulat ng dalaga ng makita niya ang binata na nakabaon sa higantang bato. Pilit niyang hinila at iligtas ang kanyang minamahal ngunit nakabaon hanggang baywang ang mapangahas na mangangaso. Kwinento ng binata na pinarusahan daw siya ng diwata dahil sa kanyang pagpatay sa alaga nitong usa na gagamitin sana na handa para sa kanilang kasal.

Nang hindi na alam ng dalaga kung ano ang gagawin ay lumuhod na lang siya sa tabi ng kanyang pinakamamahal at naluha. Nakita ito ng diwata at naawa sa kanilang dalawa. Nagpakita ito sa dalaga at sinabi na papatawarin lamang niya ang binata kung mag aalay ang dalaga ng sampung barilles ng katas ng prutas bago lumubog ang araw.

Nagmadali ang babae at pilit na pinuno ang sampung bariles ng katas ng iba't ibang mga prutas.

Pinilit ng dalaga na mapuno ng katas ang sampung bariles na utos ng diwata. Dahil salat na sa oras at malapit ng lumubog ang araw ay minabuti na lang ng dalaga na haluan ng tubig ang mga barilles para umabot sa sampu ang mga ito.

Dinala ng dalaga ang mga alay sa may paanan ng bundok at tinawag ang diwata. Pinakiusap niya na patawarin na ang binata. Sinabi ng dalaga na ikakasal na sila at nagawa lang iyon ng binata dahil sa matinding pagmamahal niya sa dalaga.

Nagalit ang diwata dahil nalaman niya na binalak siyang lokohin ng dalaga pero sinabi parin ng diwata na pagbibigyan niya ang dalaga. Magsasama daw sila ng kanyang pinakamamahal.

Naglaho ang diwata at unti unting bumuka at nabitak ang bato sa paligid ng binata, tutulungan na sana ng dalaga na makalabas ang binata ngunit kahit ang parte ng bato na kanyang  kinatatayuan ay nagsimula din na bumitak. Linamon ng malaking bato ang magkasintahan at panghabang buhay na nagsama sa loob ng bundok na Manlalamon.

No comments:

Post a Comment