Galing daw ang pangalan ng Bundok ng Manalmon sa salitang Manlalamon. Kwento daw kasi ng mga matatanda na dati ay may binata na linamon ang bundok kaya't itoy tinawag na bundok na manlalamon at pag tagal ay tinawag na din na Bundok ng Manalmon.
Nagsisimula ang ating kwento sa bahay ng isang magkasintahan sa isang maliit na bario ng San Miguel sa probinsya ng Bulacan. Ikakasal na ang magkasintahan at problemado sila sa kung ano ang pagkain na maari nilang maihanda para sa kanilang mga bisita. Napagkasunduan nilang dalawa na mangangaso ang binata at magbabakasakali na may mahuli para sa handa ng kanilang munting kasalan.
Tumungo sa kabundukan ang lalaki para manghuli ng kahit anong pwedeng mahanda para sa kanilang bisita. buong magdamag na naglakbay ang binata, sinuyod ang bawat sulok ng kakahuyan ngunit wala syang natagpuan na bakas ng kahit anong hayup.